Sumampa na sa 7,777 ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 198 new cases.
Nagkaroon naman ng 70 pang mga COVID-19 survivors kaya’t nasa 932 na ang mga nakarekober.
Samantala, nakapagtala ang DOH ng 10 bagong insidente ng pagkamatay dahil sa covid-19 dahilan upang sumampa na sa 511 ang bilang ng mga nasawi sa nasabing karamdaman sa ating bansa.