Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng pagpapatupad ng modified quarantine.
Ito’y sa pagtatapos ng pinalawig na enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), Calabarzon, at iba pang karatig lalawigan sa Mayo 15.
Ayon kay Pangulong Duterte kailangan ang modified quarantine para maiwasan pa rin ang pagdami at pagdikit-dikit ng tao sa lansangan.
Sa ilalim umano nito ay bahagyang magbabalik operasyon ang ilang piling negosyo at transportasyon.
Kung agad aniyang magbabalik kasi sa normal ay tiyak na hindi umano matatapos ang problema.
Una rito sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na ang general community quarantine (GCQ) ay ang “new normal” para sa mga pilipino hangga’t hindi pa natutuklasan ang gamot sa COVID-19.