Sinampahan na ng kaso ng Makati City Police si Javier Parra Salvador, ang dayuhang nakaalitan ng isang pulis sa Dasmariñas Village sa Makati.
Ayon kay Southern Police District Director Col. Manny Peralta, kabilang sa mga inihaing kaso laban kay Salvador ang direct assault, unjust vexation, paglabag sa RA 11332 at ordinansa ng Makati.
Samantala, sanabi rin ni Peralta na iniimbestigahan na rin ng Regional Internal Affairs Service (RIAS) ang naging aksyon ni Police Master Sgt. Roland Madrona kasunod ng naging komprontasyon nila ng dayuhan.
Aalamin aniya ng RIAS kung may nalabag si Madrona na mga police protocol at proseso sa kanyang naging aksyon laban sa dayuhan.
Layunin naman nitong makabuo ng guidelines ang pulisya sa mga katulad na sitwasyon.