Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang umano’y panibagong sintomas na nakikita sa mga taong tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y matapos mapaulat sa Estados Unidos ang pagkaka-ugnay ng COVID-19 sa pagbabago sa kulay ng balat sa paa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy ang kanilang pagkalap ng impormasyon tungkol sa sakit lalo na at marami pa aniya ang talagang kailangang pag-aralan hinggil dito.
Tiniyak naman ni Vergeire na magbibigay ng bagong rekomendasyon at guidelines ang DOH sa oras na may mapatunayan hinggil sa isinasagawang pag-aaral sa umano’y bagong sintomas ng COVID-19.