Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga mag-asawa na iwasan ang hindi planadong pagbubuntis ngayong lockdown dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat ay maging responsable ang mga magulang lalo na sa panahon ngayon.
Aniya maliban sa proteksyon laban sa COVID-19 dapat din na tiyakin na nasa mabuti at malusog na kalagayan ang buong pamilya.
Kasabay nito sinabi ni Vergeire na ang mga mag asawa nuon na gumagamit ng contraceptives ay maaari pa rin nila itong ma-avail sa kanilang barangay health centers.