Itinanggi ng Department of Agriculture (DA) na tumaas ang presyo ng manok sa merkado dahil sa delivery charges na sinisingil ng mga middle man.
Ayon kay DA Secretary William Dar, batay sa kanilang monitoring, sakop pa rin ng suggested retail price (SRP) ang presyo ng manok sa pamilihan.
Gayunman, sinabi ni Dar na nakipag-ugnayan rin naman sila sa United Broilers Association upang mismong ang mga kasapi na ng asosasyon ang magdeliver ng manok sa merkado.
Una nga, ang problema dati ‘yung sinabi ko na, ‘yung mga bumibili sa mga poultry raisers ay sinasabihan ‘yung mga raisers na ‘o, hindi niyo mailuluwas ‘yan, bibilhin na namin na menos presyo’. Pero ngayon, ‘yung UBRA, for example, may kooperatiba po sila, tutulong po kami sa UBRA,” ani Dar. —sa panayam ng Ratsada Balita