Pinag-aaralan na ng pamunuan ng Bacoor, Cavite kung palalawigin hanggang sa ika-15 ng Mayo ang total lockdown sa Barangay Molino III.
Itoy matapos na madagdagan pa ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) positive sa Barangay Molino 3 sa kabila ng total lockdown na nakatakda sanang magtapos bukas, ika-30 ng Abril.
Ayon kay Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla, ang kanilang Patient 77 ay isang nurse na nagta-trabaho sa isang pribadong ospital sa loob rin ng Bacoor.
Sa ngayon anya ay abala naman sila sa contact tracing sa mga nakasalamuha naman ng isang Chinese national na POGO worker na nagpositibo rin sa COVID-19.
Nag-rent po sila sa mga (…) bahay-bahay, and these are 16 houses, so, we monitored all of them yesterday, hinanap po naming itong 16 na bahay na ito, kasi may ugali po pala itong mga POGO workers na nagli-lipat-lipat po ng mga bahay,” ani Mercado. —sa panayam ng Ratsada Balita