Lumampas na sa 1-milyon katao ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Estados Unidos.
Batay sa datos mula sa John Hopkins University, pumalo na sa 57,000 katao ang nasawi sa COVID-19 mula sa mahigit 1-milyong positibo sa impeksyon.
Gayunman, unti-unti na rin umanong nababawasan ang bilang ng kaso sa New York na syang may pinakamaraming naitalang bilang ng positibo sa COVID-19.