Inianunsyo ng Korte Suprema ang pagpasa ng may 2,103 examinees na kumuha ng bar exams noong 2019.
Nagmula sa University of Santo Tomas sa Legaspi ang nanguna sa bar exams sa katauhan ni Mae Diane Azores na nakakuha ng 91.0490% na score.
Sinundan sya ni Princess Fatima Parahiman ng University of the East, pangatlo si Myra Baranda na nagmula rin sa UST-Legaspi.
Ang iba pang pasok sa top 10 ay sina:
- Dawna Fya Bandiola ng San Beda College Alabang;
- Jocelyn Fabello ng Palawan State University;
- Kennet Glenn Manuel ng UST;
- Rhowee Buergo ng Jose Rizal University;
- Anton Luis Avila ng St. Louis University
- Jun Dexter Rojas ng PUP
- Bebelan Madera ng University of St. La Salle.
BREAKING: Law graduate mula sa University of Sto. Tomas-Legaspi, nanguna sa 2019 Bar Exams | via @bert_dwiz882 pic.twitter.com/OolRQbqsGl
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 29, 2020
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, chairperson ng Bar 2019, na kumakatawan ang pumasa sa 27.36% ng 7,685 kumuha ng bar exams, na higit na mataas sa 1,800 pumasa noong 2018.
Ayon kay Bernabe, nagpasya ang Korte Suprema na ibaba sa 74% ang dating 75% na passing grade sa bar exams.
In light of among other considerations, the discerned need for younger and technologically adept lawyers to help different fronts of society as we meet the peculiar challenges brought about by the COVID-19 pandemic and transition to the new normal,” ani Associate Justice Estela Perlas-Bernabe.
Maliban sa kanyang pagbati sa mga pumasa sa bar exams, nagbigay din ng kanyang payo at pa alala si Bernabe sa mga bagong abogado.
Always be reminded that with the distinction you gained as lawyers comes with the concomitant responsibility to further the ideals of justice and the rule of law,” ani Associate Justice Estela Perlas-Bernabe. —ulat mula kay Bert Mozo (Patrol 3)