Isasailalim na sa general community quarantine (GCQ) ang Iloilo City simula Mayo 1.
Ito ang inihayag ni City Mayor Jerry Treñas sa gitna ng tumataas na bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Pero paliwanag ni Treñas, ipapatupad ang general quarantine sa lungsod matapos magpalabas ng binagong listahan ang national government ng mga lugar na kasama sa enhanced community quarantine (ECQ) na extended hanggang Mayo 15.