Nagpaalala ang Department of Health sa mga ospital na hindi dapat pinababayaran sa mga pasyente ang mga ginamit na donasyong personal protective equipment (PPEs) ng kanilang health workers.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi dapat i-charged sa bill ng pasyente an mga PPE na donasyon sa kanilang mga ospital.
Paglilinaw ni Vergeire, maaari lamang itong pabayaran sa pasyente kung ang PPE ay binili mismo ng ospital.
Kasabay nito, sinabi ni Vergeire na kung may kakulangan pa rin ang mga ospital sa PPE ay maaaring sumulat ang mga ito sa covid19logistics@gmail.com.