Isinusulong ni Quezon City Representative Precious Castelo na mabigyan ng ‘tax holiday’ ang mga medical frontliner na katuwang sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay Castelo, ito ay bilang pagkilala at pasasalamat sa ginagawang sakripisyo ng mga medical frontliner para mapangalagaan ang kalusugan ng publiko.
Batay sa panukalang Health Workers’ Tax Holiday Act of 2020, malilibre sa buwis ang dalawang buwang sahod ng kwalipikadong health worker.
Sakop ng naturang panukala ang lahat ng nagtatrabaho sa mga ospital, health infirmaries, health centers, rural health units, barangay health stations, clinic, at iba pang health related establishments.