Kumikilos na ang gobyerno para sa pagpapatupad ng balik probinsya program.
Ipinabatid ito ni Presidential Spokesman Harry Roque magtapos ihayag na ang nasabing panukala ni Senador Bong Go ay top priority at long term project ng gobyerno.
Sinabi ni Roque na naghahanap na ang pamahalan ng mga paraan para makauwi na sa probinsya ang mga nais makauwi base na rin sa itinatakdang quarantine requirements.
Batay sa nasabing panukala ni Go hindi lamang ang libreng pagpapauwi ang i-aalok ng pamahalaan kundi ang pagtiyak na magiging kaaya aya ang mga lalawigan para sa mga bagong negosyong ipapatayo ng investors.
Sa ganitong paraan aniya ay hindi na luluwas ng Maynila o sa mga malalaking syudad ang mga manggagawa para makahanap ng trabaho.