Pinayuhan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang mga Pilipino na isantabi muna ang pagba biyahe sa ibang bansa ngayong taon.
Ayon kay Puyat hindi pa magiging normal ang pag ba biyahe at kahit pa ma lift na ang enhanced community quarantine (ECQ), hindi pa kaagad magiging bukas ang ilang lgu sa mga foreign visitors samantalang mayruon pa rin tiyak na travel restrictions mula sa ibang bansa.
Sinabi ni Puyat na ang tourism industry ng bansa ang sumalo ng pinaka matinding epekto partikular sa ekonomiya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Ipinabatid ng DOT na nasa 1.3-M foreign nationals lamang ang dumating sa bansa mula Enero hnggang Marso at ito ay mahigit 40% na mas mababa sa bilang ng mga dumating sa parehong mga buwan nuong isang taon.