Matapos ang magkasunod na linggo ng rollback, asahan naman ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa pagtaya ng source ng DWIZ sa industriya ng langis, malalaro sa P0.20 hanggang P0.30 kada litro ang magiging tapyas sa presyo ng diesel.
Habang P0.60 hanggang P0.70 naman kada litrong bawas sa presyo ng kerosene.
Samantala, inaasahan naman ang P0.60 hanggang P0.70 kada litro dagdag-presyo sa gasolina.
Karaniwang ipinatutupad ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo tuwing Martes.