Nakumpleto na ng mahigit sa 60 Overseas Filipino Workers (OFW) ang kanilang 14-day quarantine sa loob ng MV St. Anthony De Padua na nakadaong sa Manila South Harbor.
Base sa ulat, binigyan ang mga OFW’s ng rapid anti-body test para sa COVID-19 bago sila pinayagang makauwi sa kanilang mga lugar.
Pinangunahan ng Philippine Coast Guard – medical team ang pagsasagawa ng test sa mga naturang OFW’s.
Isa ang MV St. Anthony De Padua sa dalawang barko ng 2GO group na nakadaong sa Pier 15, ng Port Area Manila para i-accommodate ang mga repatriated OFW’s na kinakailangang sumailalim sa mandatory quarantine.