Isinusulong ng Philippine Medical Association (PMA) ang pagbibigay ng maagap na pagsusuri at paggamot sa mga health workers na bantad sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasunod ito ng patuloy na pagtaas sa bilang ng mga nasasawing health workers bunsod ng COVID-19.
Ayon kay PMA President Dr. Jose Santiago Jr., mahigit 30 nang mga health workers tulad ng doktor at nurse ang nasawi sa kasagsagan ng krisis sa COVID-19 sa bansa.
Dahil dito, napakahalaga aniya ng pagkakaroon ng early diagnosis at treatment o gamutan sa mga health workers.
Sinabi ni Santiago, sa kasalukuyan ay unti-unti nang nagiging matatag ang suplay ng mga personal protective equipment (PPE’s) sa mga ospital.
Nagpapatupad din ng mga procedure o hakbang ang mga ospital para hindi agad sila maubusan ng suplay ng mga PPE’s
Dagdag ni Santiago, ilang ospital na rin ang kumukuha na ng health worker volunteers para makadagdag sa kani-kanilang workforce.