Ilang probinsya na ang walang naitalang panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa loob ng dalawang linggo.
Batay sa tala ng Department of Health (DOH), aabot sa 41 probinsya ang walang nadagdag na kaso ng COVID-19 simula nuong Abril 18 hanggang Mayo 3.
Kinabibilangan ito ng Agusan del Sur, Aklan, Apayao, Aurora, Basilan, Batanes, Biliran, Bohol, Bukidnon, Camarines Norte, Camiguin, Capiz, Compostella Valley, at Cotabato.
Kasama rin ang Davao del Norte, Davao Occidental, Davao Oriental, Dinagat Islands, Eastern Samar, Guimaras, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, Maguindanao, Masbate, at Mountain province.
Pati na rin ang Negros Oriental, Northern Samar, Pangasinan, Quirino, Romblon, Sarangani, Siquijor, Sorsogon, South Cotabato, Southern Leyte, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Tawi-Tawi, Zamboanga del Norte, at Zamboanga Sibugay.
Samantala, pinaka malaking bilang pa rin ng may kaso ng COVID-19 ay mula sa Metro Manila.