Makatuwiran lamang na mag-isyu ng provisional authority ang National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN para patuloy na makapag-operate ito kahit expired o paso na ang kanilang prangkisa.
Ayon ito kay Senate Majority Floorleader Juan Miguel Zubiri at wala aniya siyang nakikitang dahilan para hindi mag-isyu ng provisional authority ang NTC sa kapamilya network.
Sinabi pa ni Zubiri na maging si Justice Secretary Menardo Guevarra ay nagsabing maaaring payagan ng kongreso ang NTC na mag isyu ng provisional authority para makapagpatuloy ng operasyon ang ABS-CBN hanggang magpasya ang kongreso sa franchise renewal bills.
Una nang binalaan ni Solicitor General Jose Calida ang mga opsiyal ng NTC na mahaharap sa kaso kapag nagpalabas ang provisional authority sa ABS-CBN matapos mag paso ang prangkisa nito kahapon.