Mahigit 4,000 mga balik bansang sea farers na lulan ng mga dumating na cruise ships sa bahagi ng Manila Bay inaasahang makabababa na sa Mayo 17.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kasalukuyan pang sumasailalim sa mandatory 14 day quarantine ang nabanggit na mga Pilipinong tripulante sa loob ng mga barko.
Mayroon aniyang 14 na cruise ships na nagmula pa ng Australia, Indonesia, Singapore, at Japan ang nakadaong sa Manila Port.
Sinabi ni Morente, magsasagawa sila ng inspeksyon oras na mabigyan na ng clearance ng bureau of quarantine ang barko at mga sakay nito matapos naman ang kanilang pagsasailalim sa quarantine.
Tiniyak naman ni Morente na kanilang sinusunod ang alintuntunin ng IATF hinggil sa disembarkment ng mga Filipinong marino gayundin ang pagsigurong protektado ang kanilang mga tauhan.