Nagbanta ang Kamara na iko-contempt ang mga opisyal ng National Telecommunications Commission (NTC).
Ito ayon kay House Committee on Legislative Franchises Chair Franz Alvarez ay kapag bumigay sa panggigipit ng Office of the Solicitor General (OSG) hinggil sa paggawad ng provisional authority para makapag-operate ang ABS-CBN matapos mapaso ang prangkisa nito noong Lunes, Mayo 4.
Sinabi ni Alvarez na hinahamon ng OSG ang constitutional authority ng kongreso sa paggawad, pagtanggap, pagpapalawig, pagbawi o pagbago ng broadcast franchise.
Tiniyak ni Alvarez na hindi magpapadikta ang kaniyang komite sa sinuman o anumang ahensya ng pamahalaan sa kung paano at kailan dapat isagawa ang pagdinig hinggil sa franchise renewal application ng ABS-CBN.
Kasabay nito muling inatasan ng komite ang NTC na payagan ang Lopez led broadcast company na makapag-operate hanggang makabuo ng desisyon ang Kamara sa prangkisa nito.