Nag-off air na o tumigil na sa kanilang operasyon ngayong kagabi ang ABS-CBN.
Ito ayon sa pamunuan ng kapamilya network ay bilang pagsunod sa cease and desist order na inisyu ng NTC matapos magpaso o mag-expire noong Lunes, May 4 ang legislative franchise ng broadcast network.
Sinabi ng ABS-CBN na milyong-milyong mga Pilipino ang mawawalan ng mapagkukunan ng mga balita lalo na’t nahaharap sa COVID-19 pandemic ang bansa.
Samantala iginiit naman ng ANC o ABS-CBN News Channel na patuloy pa rin silang eere dahil hindi sila sakop ng nasabing kautusan ng NTC.
Binigyang diin ng ANC na hindi kasama sa inisyung cease and desist order ng NTC ang cable news channel.