Patuloy na nakaranas ng mainit at maalinsangang panahon ang mga taga Metro Manila kahapon.
Ayon sa Pagasa, pumalo sa 42 degrees Celsius ang heat index sa Science Garden, Quezon City bandang 3 p.m. kahapon at umabot sa 37. 3 degrees Celsius ang air temperature sa nasabing lugar.
Sinabi ng Pagasa na ito na ang pinakamainit na naitala sa Science Garden ngayong tag init.
Samantala limang lugar sa bansa ang nakaranas ng pinakamataas na heat index kahapon.
Kabilang dito ang Dagupan City- 51 degrees Celsius; Sangley Point sa Cavite city- 49 degrees Celsius; Ambulong, Tanauan City – 48 degrees Celsius; Science of Muñoz- 46 degrees Celsius; at Iba, Zambales- 45 degrees Celsius.
Muling pinayuhan ng Pagasa ang publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activities tuwing tanghali o hapon para makaiwas sa heat cramps at heat exhaustion na maaaring magdulot ng heat stroke.