46 na barangay officials sa Maynila ang pinadalhan ng show cause order ng Manila City Government dahil sa umano’y iregularidad sa relief operations.
Sinabi ni acting Manila City Administrator Atty Marlon Lacson na binigyan nila ng 72 oras ang mga nasabing barangay officials para magpaliwanag kaugnay sa paglabag ng mga ito sa bayanihan: we heal as one act, anti-graft and corrupt practices act at city ordinances.
Kabilang sa mga reklamo sa mga nasabing barangay officials ang pagtapyas sa P1,000 financial aid ng city government sa bawat residente, hindi pagbibigay ng milk food supplement assistance at mga binawasang relief goods
Kapag bigong makapagpaliwanag itutuloy na sa preliminary investigation ang reklamo laban sa chairmen ng 9 na barangay sa district 1, 7 sa district 2, 4 sa district 3 at 10 sa district 4.