Handa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sakaling ideklara na ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Gayunman, sinabi ni MMDA spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago na maghihintay lamang sila sa ibababang guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung aalisin na ang National Capital Region (NCR) sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Mayo 15.
Handa na aniya ang kanilang enforcers na ipatupad ang mga polisiya sakaling isailalim na sa GCQ ang NCR.
Kasabay nito, ipinabatid ni Pialago ang dalawang quarantine o isolation facility para sa mga empleyado ng MMDA na sumasailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) rapid testing.