19 sa mga repatriated overseas Filipino workers (OFWs) ang nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez, Jr.
Kasabay nito, ipinabatid ni Galvez na halos puno na ang quarantine facilities para sa mga umuuwing OFWs na nasa halos 24,000 na at sumasailalim sa 14-day mandatory quarantine kaya’t kinailangan aniyang suspindihin muna ang pagdating ng mga eroplano mula sa ibang bansa sa loob ng isang linggo o hanggang bukas, Mayo 8.
Halos 45,000 pa aniyang OFWs ang inaasahang darating sa buwang ito at 4 hanggang 500 OFWs kada araw lamang ang kaya nilang pangasiwaan.