Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na wala pang nawawalan ng trabaho sa kabila ng pansamantalang pagsasara ng ABS-CBN.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, nananatiling isang korporasyon ang ABS-CBN at kawalan lamang ng prangkisa ang naging problema nito.
Posible anyang maapektuhan lamang ang mga manggagawa ng ABS-CBN kung matatagalan bago sila mabigyan ng prangkisa at kinakailangan na nilang magretrench ng empleyado.
Kahit naman wala na ‘yung kanilang prangkisa pansamanala, e, buhay na buhay ang kanilang korporasyon, meron silang mga empleyado at lahat ng mga empleyado nila ay entitled pa rin sa kanilang mga benefits at sweldo, kanilang mga sick leave, vacation leave –kumpleto ‘ya, kasi nand’yan pa ang kanilang employer. Hindi pa napapanahon na mabigyan sila ng cash assistance from government kasi tuloy-tuloy pa rin ‘yung kanilang employment,” ani Bello. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas