Itinanggi ng PAGASA na magkakaroon ng equinox phenomenon sa susunod na limang araw.
Ayon sa PAGASA, ang equinox ay nagaganap kapag ang sentro ng araw ay direktang nasa itaas ng equator ng mundo.
Marami ang nagpapakalat ng mensaheng ito sa Facebook, Twitter, at maging sa Viber.
WALANG KATOTOHANAN na magkakaroon ng ‘equinox phenomenon’ sa susunod na limang araw sapagkat tapos na ang spring equinox noong 20 Marso. Ang autumnal equinox naman ay mangyayari sa 23 Setyembre. pic.twitter.com/hnOIZN3drq
— PAGASA-DOST (@dost_pagasa) May 6, 2020
Kaakibat anila ito ng pagkakaroon ng parehong haba ng araw at gabi.
Ipinaliwanag ng PAGASA na apektado lamang ang Pilipinas sa parehong haba ng araw at gabi subalit hindi ang temperatura dahil malapit ang bansa sa equator.
Una rito, kumalat sa social media ang isang babala hinggil sa equinox phenomenon kung saan tataas umano ang temperatura ng mahigit sa 40°C na maaring maging sanhi ng sun stroke at dehydration.