Pinalawig pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang deadline sa pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng social amelioration program (SAP).
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, bibigyan pa nila ng hanggang May 10 ang National Capital Region (NCR) upang maipamahagi ang ayuda.
Nakadepende naman anya sa efforts ng ibang probinsya, bayan o syudad kung bibigyan sila ng extension.
Ngayong araw na ito sana magtatapos ang deadline sa unang extension na ibinigay ng DILG sa pamamahagi ng SAP subalit hanggang kagabi, nasa 985 pa lamang mula sa mahigit 1,600 local government units ang nakakumpleto na sa pamamahagi ng SAP.
Sinabi ni Año na 24/7 na ang pamamahagi ng SAP kaya’t inatasan nya ang Philippine National Police (PNP) na i-exempt ang mga kumukuha at maging ang mga namamahagi ng cash aid sa curfew.