Nangangailangan ang gobyerno ng 1,500 katao para makatuwang sa pagpapatakbo ng apat na mega swabbing center na itatayo para mapalawak ang kapasidad ng bansa magsagawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, naghahanap ngayon ang gobyerno ng swabbers, encoders, at bar coders.
Ani Roque, makakatanggap ang mga ito ng sweldo at hazard pay.
Maging ang mga volunteers din umano ay may bayad at wala naman din umanong magiging problema sakaling gusto na nilang bumalik sa kanilang orihinal na trabaho.
Matatagpuan ang mega swabbing centers sa Palacio De Maynila sa Pasay City, sa Enderun Tent sa Taguig City, Mall of Asia Arena, at sa Philippine Arena sa Bulacan.