Labing anim (16) katao na ang nasawi sanhi ng walang tigil na pag-ulan sa ilang lugar sa France.
Tatlo (3) katao ang kumpirmadong patay nang malunod sa retirement home sa Biot area habang ang isa naman ay natagpuang patay sa Lansagan sa Resort City ng Cannes.
Ayon sa interior ministry, umaasa sila na mayroon pang buhay na matatagpuan mula sa labindalawang (12) nawawala.
Nabatid na sa loob ng dalawang oras lamang na walang tigil na pag-ulan naitala ang 16 na namatay sa nasabing bansa.
By Mariboy Ysibido