Boluntaryo lamang ang pagpapatupad ng isinusulong na balik probinsya bagong pag-asa program ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi magiging sapilitan ang pagpapauwi sa probinsiya ng ilang mga tao sa Metro Manila.
Aniya, isinusulong ang programa hindi lamang para mabawasan ang mga nagsisiksikang tao sa metro manila kundi ang maipakitang may oportunidad at kabuhayan din sa mga probinsya.
Sinabi ni Roque, hindi na aniya gaya ng dati ang Pilipinas kung saan nak-sentro lamang sa Metro Manila ang komersyo.
Sa ngayon aniya, bago pa man ang isinusulong na batas ni Senador Christopher ‘Bong Go’ ay marami-rami na rin ang namunuhunan sa labas ng Metro Manila.
Inihalimbawa na lamang ni Roque ang mga lalawigan sa CALABARZON gayundin ang Cebu na halis katulad na ng Metro Manila.
Una nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte Ang Executive Order 114 na nagtatatag ng balik probinsiya bagong pag-asa council na siyang bubuo ng patakaran para maayos na implementasyon ng prorama.