Nagluluksa ngayon ang entertainment industry matapos pumanaw ang direktor na si Peque Gallaga sa edad na 76.
Ayon sa kanyang misis na si Madie, nasawi si Gallaga dahil sa cardiopulmonary arrest sa Riverside Medical Center sa Bacolod City.
Kabilang sa mga pelikula ni Gallaga ay ang “Oro, Plata, Mata”, “Magic Temple” at iba pa.
Dahil sa husay ni Gallaga sa kanyang larangan, nakasungkit siya ng parangal sa International Film Festival of Flanders-Ghent sa Belgium noong 1983, isang Special Jury Award sa Manila International Film Festival, at Gawad CCP Para sa Sining noong 2004.