Pinag-iingat ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng mga opisyal, sundalo at mga sibilyang kawani nito sa paggamit ng social media.
Sa kaniyang kautusan, binigyang diin ni AFP Chief of Staff Gen. Filemon Santos Jr. na dapat maging instrumento ng pagkakaisa at hindi ng pagkakawatak-watak ang AFP.
Bagama’t iginagalang naman ng AFP ang kalayaan ng sinuman sa paghahayag ng saloobin, dapat isipin ng mga sundalo na sila’y mga lingkod bayan na kaanib sa isang organisasyon.
Magugunitang umani ng negatibong reaksyon mula sa publiko ang naging tugon ni Southern Luzon Command (Solcom) Chief Lt/Gen. Antonio Parlade sa social media hinggil sa sinapit ng broadcast giant na ABS-CBN na iniuugnay umano sa batas militar.