Nadagdagan pa ng 14 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Maynila.
Dahil dito, sa pinakahuling datos ng Manila City Government, nasa 833 na ang kabuuang kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod.
138 sa nabanggit na bilang ang nakarekober na habang 78 naman ang nasawi.
Pinakamarami pa rin sa mga aktibong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Tondo 1 district na umaabot sa 139.
Pumapangalawa ang Sampaloc na mayroon 118 kumpirmadong kaso ng COVID-19 na sinusundan naman ng Sta. Cruz na mayroon 62 COVID-19 case.