Namemeligrong mawalan ng trabaho ang tinatayang isang milyong manggagawa sa sektor ng agrikultura dahil sa El Niño.
Dahil dito, nanawagan si Allan Tanjusay, Tagapagsalita ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), sa mga lokal na pamahalaan na lumikha ng mitigation plans upang mapaghandaan ang matinding tagtuyot.
Ayon kay Tanjusay, kabilang sa mga maaaring ilatag ay ang livelihood assistance para sa mga apektadong magsasaka at iba pang agricultural workers.
Giit ni Tanjusay, bukod kasi sa mawawalan ng hanap-buhay at income ang mga magsasaka ay magdurusa rin ang mga ito bilang consumers.
By Jelbert Perdez