Nagpalabas ng bagong patakaran ang Estados Unidos kaugnay ng mas mahigpit na guidelines para sa pagbibigay ng visa sa mga Chinese journalist.
Ayon sa Estados Unidos, tugon anila ito sa naging pagtrato naman ng China sa mga American journalist.
Batay sa ipinalabas na bagong regulasyon ng US Department of Homeland Security, kanilang tinukoy ang umano’y paghadlang ng China sa malayang pamamahayag.
Sa ilalim nito, limitado na lamang sa loob ng 90 days ang ipagkakaloob na US visa para sa mga Chinese reporters na maaaring hilingin para palawigin.
Hindi naman sakop ng bagong patakaran ang Chinese journalists na may hawak na pasaporte mula Hong Kong at Macau.