Nakatutulong ang pagkain ng sili para humaba ang buhay ng isang tao.
Ito ay batay sa pag-aaral na isinagawa ng University of Vermont College of Medicinesa mahigit labing 6,000 katao sa Estados Unidos.
Anila, nakapagdudulot kasi ng magandang benepisyo sa katawan ng tao ang taglay na capsaicin ng sili.
Ang capsaicin ay nakatutulong para mapigilan ang pagkakaroon ng breast cancer sa mga kababaihan at nakapagpapababa rin ng panganib sa colorectal cancer.
Mabisa rin anila ang capsaicin sa paglaban sa mga sakit sa puso dahil sa kakayahan nitong labanan naman ang obesity.