Kailangang magsagawa muna ng mass testing bago luwagan ang mga panuntunan sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).
Payo ito ng ilang experts mula sa up sa gitna na rin ng mgalumulutang na posibilidad na mailagay na sa general community quarantine (GCQ) mula sa ECQ ang Metro Manila matapos ang Mayo 15.
Ayon kay UP Political Science Assistant Professor Ranjit Rye delikadong magdesisyon base lamang sa available data hinggil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases ng walang mass testing.
Tutol aniya silang i-relax ang ilang panuntunan sa Metro Manila dahil makikita naman ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kalakhang maynila samantalang 50 days na wala masyadong testing na ngayon pa lamang ginagawa.
Sinabi naman ni UP Institute of Mathematics Professor Guido David na mayruong 38% na delay sa kabuuang resulta ng COVID-19 testing kayat delikado ang mga assessments base sa real time.
Kapwa ibinabala ng up experts na tataas pa ang bilang ng COVID-19 cases kapag niluwaan ang ilang restrictions sa ilang lugar tulad nang nangyari sa cebu na tumaas ang kaso matapos alisin ang ilang panuntunan.