Nag-alok ng P2-milyong pabuya ang Pangulong Rodrigo Duterte sa sinumang magkapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng mataas na lider ng New People’s Army (NPA).
Maliban sa reward money, tiniyak rin ng pangulo na mabibigyan ng proteksyon ang informer.
Binigyang diin ng pangulo na hindi sya papayag na may mapatay pang mga sundalo dahil inambush ng NPA at kinuha ang cash aid na ipamamahagi sana sa mamamayan.
To warning na ayaw ko na ngayon na mamamatay pa na sundalo, babae o lalaki, na inambush ng mga NPA at kinuha ‘yung mga pera o ‘yung mga supply ng pagkain, bigas, sardinas kung ano pa, at ‘yung baril. Ako, ang sabi ko talaga, magsabi ako ng totoo, ha, ang gusto ko, kasi pinapatay ‘yung sundalo ko pati pulis, ang order ko patayin ninyo, kasi kung hindi kayo patayin, papatayin talaga kayo,” ani Duterte.
Kasabay nito ay inatasan rin ng pangulo si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista na magpatulong sa mga sundalo sa pamamahagi ng cash aid.
Inulit ng pangulo ang kanyang agam-agam noon na mabahiran ng katiwalian ang P200-bilyong ayuda sa may 18-milyong Pilipino.
Ayon sa pangulo, mas gusto nya kung mga babaeng sundalo ang makakatulong ng DSWD dahil iba anya ang puso ng babae.
I have a nightmare, not only an experience in a distribution of the SAP. Sabi ko na nga noon, nakinig naman kayo sa akin, takot ako na baka makurakot ito, nangyari nga, kita mo? Ang order ko sa kanya (DSWD secretary Bautista) magpatulong sya sa Armed Forces mag-distribute ng pera,” ani Duterte.