Tinututukan na ng gobyerno ang plano para higit na matugunan ang influx o pagbuhos ng mga umuuwing OFW’s na stranded sa Metro Manila dahil nasa enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Secretary Carlito Galvez, Jr. COVID-19 Response Chief Implementer sa pinakahuling datos nila, nasa 20,000 OFW’s ang nananatili sa quarantine facilities sa Metro Manila.
Bukod dito sinabi ni Galvez na pinag-aaralan na rin nila kung ano nang gagawin para makauwi na ang mga locally stranded individuals sa kani-kanilang mga probinsya.
Samantala inirekomenda rin ni Galvez ang hinay-hinay o gradual lifting ng ECQ para maiwasan ang muling pagdami ng mga kaso ng COVID-19.
Kailangan aniyang ituon ng gobyerno ang atensyon sa mga carrier ng COVID-19 para magtagumpay ang gobyerno na mapigilan ang pagkalat ng deadly virus.