Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang imbestigasyon laban kay Ronnel Mas –ang guro sa Masinloc, Zambales – na nagpost sa social media na magbibigay sya ng P50-milyong reward sa sinumang papatay sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay DepEd undersecretary Josephine Maribojoc, bahagi ito ng proseso para sa posibleng pagsasampa ng kasong administratibo laban kay Mas.
Kumikilos na anya ang principal ng Taltal National Highschool kung saan nagtuturo si Mas upang mangalap ng mga detalye ng insidente.
Susundin natin ang proseso at magiging patas tayo. Inaaksyunan na po,” ani Maribojoc. —sa panayam ng Ratsada Balita