Naghahanda na ang provincial government ng Albay sa inaasahang pagdaan ng bagyong Ambo sa lalawigan sa Biyernes ng umaga.
Kasunod na rin ito nang idinaos na pulong ng Albay Public Safety and Emergency Management Office – PDRRMO upang matutukan ang mga paghahanda sa magiging epekto ng bagyo.
Kabilang dito ang pagpapatupad ng protocols sakaling mayroong ilikas na residente kung saan posibleng paghiwalayin ang mga may sakit na evacuee at senior citizens.
Ang mga evacuation center na ginagamit bilang quarantine facilities ay hindi gagamitin bilang typhoon evacuation.
Dapat masunod pa rin anila ang social distancing at pagsusuot ng face mask sa evacuation centers kung saan ang kada evacuation room ay dapat mayroon lamang maximum na apat na pamilya.