Hinahabol din ng NBI ang mga nagbabanta kay Vice President Leni Robredo sa social media
Sinabi ni Nick Suarez, PIO Chief ng NBI na mayroon silang team na tumutugis sa mga nagbabanta sa Bise Presidente bagamat hindi nito tinukoy ang estado ng mga kaso.
Ayon pa kay Suarez ang mga pagkilos nila ay batay na rin sa mandato ng ahensya na imbestigahan ang mga banta sa seguridad ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, Senate President, House Speaker at maging ang Chief Justice ng Korte Suprema.
Una nang inaresto ng NBI ang isang 25 anyos na public school teacher sa Zambales matapos ang tweet nitong P50-M na reward sa aniya’y makakapatay sa Pangulong Rodrigo Duterte.