Isa umanong reporter mula sa rappler ang tinanggal sa official Viber group ng NCRPO matapos nitong ibalita ang kontrobersyal na birthday party ni Major General Debold Sinas.
Sa Twitter post ng journalist na si Rambo Talabong, sinabi nito na siya ay tinanggal sa Viber group ng NCRPO matapos i-ulat ng Rappler ang umano’y paglabag ni Sinas sa quarantine rules matapos nitong magkaroon ng birthday celebration.
Naging kontrobersiyal ang kaarawan ni Sinas dahil sa pagce-celebrate nito kasama ang ibang police officers kahit pa may umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).