Pinayagan na ng gobyerno ang deployment ng mga Overseas Filipino Workers (OFW)’s maliban sa mga healthcare professionals.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque binigyan na ng go signal ang land based at sea based ofws na makapag trabaho abroad bagamat kailangang magsumite ng declaration na batid nila ang mga panganib na dulot ng coronavirusdisease 2019 (COVID-19) pandemic.
Inatasan na rin ang mga tanggapan at ahensya ng gobyerno na nag po proseso ng papeles ng mga OFW na magtayo ng green lanes para sa mabilis na deployment ng mga nasabing OFW’s.