Kakasuhan ng Philippine National Police (PNP) si National Capita Region Police (NCRPO) Chief Major General Debold Sinas.
Kaugnay ito sa birthday party ni sinas na paglabag sa mass gatherings sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque nakausap niya si PNP Chief Archie Gamboa na siyang nagpabatid sa kanila hinggil sa isasampang kasong kriminal bukas, Mayo 15 laban kay sinas at iba pang opisyal na dumalo sa nasabing birthday party.
Sinabi ni Roque na humingi na rin ng clearance ang PNP sa Office of the President para kasuhan ng administratibo si Sinas dahil sa paglabag sa quarantine rules.