Inalis na ang state of emergency na ipinatutupad sa maraming lugar sa Japan dahil sa coronavirus outbreak.
Gayunman, mananatili ito sa Tokyo, at Osaka.
Matatandaang idineklara ni Prime Minister Shinzo Abe ang isang buwang state of emergency noong Abril 7 sa kabisera ng Japan at maging sa ilang urban prefectures hanggang sa ipatupad ito sa buong bansa hanggang Mayo 31.
Giit ni Osaka, kumokonti na rin naman ang mga nagkakaroon ng COVID-19 sa kanilang bansa at kailangan ding umusad ang ekonomiya kaya’t tinanggal ang emergency measure.