Lumampas na sa 300,000 ang bilang ng nasawi sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa iba’t ibang panig ng mundo.
Pinakamarami rito ang mula sa Estados Unidos na nasa mahigit 85,000 at sinundan ng Britain, Italy, France at Spain.
Mahigit naman sa 4.5-milyon ang kaso ng COVID-19 na naitala sa 196 na bansa at mga teritoryo.