Naitama na ng Department of Health (DOH) ang mga pagkakamali sa datos ng mg pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health undersecretary Ma. Rosario Vergeire, nagsimula ang pagkamamali sa pag-encode ng mga datos.
Maliban sa naitama na anya ang pagkakamali, automated na anya ngayon ang encoding upang maiwasang maulit ang mga ganitong pagkakamali.
Una rito, pinuna ng mga eksperto mula sa University of the Philippines ang mga mali at nagbabagong datos ng mga pasyente ng COVID-19.
Ilan dito ang pagbabago ng pagkakapalit palit ng gender, may mga pasyenteng bumata o tumanda ng halos isang dekada at may mga naging residente pa ng “imaginary” city.